Entry: MALAYA Saturday, February 14, 2009




Sa tuwing may naghihiwalay na puso.
Magkasabay silang natatalo.
Nasasakluban ng dilim ang kanya-kanyang mundo.

At kalungkutan ang kapalit sa naiwang espasyo.

Magkasabay sa pagpatak ng mga luha.
At ang mga pangako'y isa-isang nangawala.
Wala nang nag-uugnay sa pag-asa.
Sapagkat ang mga puso'y nagkanya-kanya na.

Naranasan din naman ang kaligayahan.
Noong kapiling ka't nagmamahalan.
Ngunit nabubuhay ka sa nakaraan.

At ayaw mo itong talikuran.

Ang nais mo'y magpakalayo.
Habang ako'y naghihintay sa iyo.
Himay-himayin man ang sarili ko.
Kailanman hindi ka na babalik sa mundo ko.

Ang pangamba ko noon ay nasa aking haraya.
Ang kasalukuyan ay hindi madadaya.

Ang bukas ang mag-papasya.

Nang malayo sa iyo at malaya.



-tsinita-

 

   1 comments

Name
July 16, 2009   02:38 AM PDT
 
aus ah! makata ka pala...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments