Entry: DOMINANTE DAW AKO Sunday, December 28, 2008






Kagabi sa aming kusina "bonding time" ng mga ka-"flatmates" ko. Kwentuhang may kabuluhan. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay nila at pati na rin buhay ko. Pumaibabaw ang tawanan.

Sa bawat bibitawan naming mga salita. Ay may kanya-kanya nang haka-haka at kuro-kuro. Dominante daw ako ang napuna nang isa. Kasama pa ang kamay niyang nakaturo.

Ano nga ba ang dominante?. May pamantayan bang nakalakip sa salitang iyon? Napailing na lang ako dahil parang masama ang kahulugan o hindi mabute. Sige ipaliwanag mo iyon.

Agad ko itong hinanap sa aking kaibigang si "Google", ngunit wala. Hindi ko dedepensahan ang sarili ko dito. At hindi ko kailangan ipaliwanag ang wala. Ayokong pakyawin ang mga salitang/ugaling kahit kailan ay hindi ko ginusto.

Ikaw nga ang nakakakita sa akin. Maari mong masabi ang ugaling iyan. Ngunit hindi ikaw ang aking salamin. Na nakikita pati ang aking aninong/repleksyong hindi mo kailanman maaring mahawakan.



-tsinita-


   6 comments

Jade
January 3, 2017   05:02 AM PST
 
Nice..
glca
January 12, 2016   08:25 PM PST
 
same here. may nkpagsabi din sakin niyan. Hahaha at parehas tayo ng ginawa nagsearch din ako. Medyo magulo.
Pandora Bracelet
May 19, 2012   02:18 AM PDT
 
Hey ! am I glad to vist your blog ! from this I can get some information and facts that I didnít know prior to. You made my day. Thank you rather much!,562624,http://tsinita.blogdrive.com/archive/85.html
Myra
July 16, 2009   02:53 AM PDT
 
taray talaga! kahit sa poem hehe
tsinita
December 29, 2008   02:40 AM PST
 
salamat lenny nahuli mo! hehe
Ynnel
December 28, 2008   01:07 PM PST
 
Ngayon alam ko na ang reason mo abt sa caption mo sa ym.. hehehe dominante in english "dominant", in my opinion a dominant have a "Strong Personality" kaya magpagalaw ng tao according sa gusto ng dominanteng tao.. hehehee.
Sabi nila ang kapwa natin ang mirror ng personality natin because they will say what reflects from our actions, thoughts and etc. But you are 100% na walang sino man makakahawak ng anino natin. For me hindi ka dominante kung hindi "PRANKANG TAO" ka, kung ano ang gusto / ayaw mo, or alam mong tama / mali you will be very vocal to say it.. hehehehe Tama ba ako? Gud nyt tsinita.....-ynnel-

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments