MAGULO ANG PAHINANG ITO, KASING-GULO NANG UTAK KO.



Saturday, October 11, 2008
=(

hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
at hindi ko rin alam kung paano.
palagian mong nababasa ang hinanakit ng puso ko.
na tila wala na ngang katapusan pa ito.

hindi ko na kailangan pa nang isang himala.
sapagkat hindi na rin ito tatalab at uubra.
kahit na dama ko na ang lahat ay mapupunta lang sa wala.
talaga ngang wala na akong magagawa.

ilang beses akong nanalangin sa aking mga pagtulog.
dalanging maalis ang hinanakit ng puso kong nadurog.
kahit na ilang beses pa akong mahulog;
sa iyong pagmamahal ay handa akong muling magpati-hulog.

hindi man tayo matatawag na isang tuwid na relasyon.
ngunit sana ay maging isa ang ating rason;
na sana maging mahinahon;
at magsama sa habang panahon.

-tsinita-
29/09/2008


Posted at 10:29 am by tsinita
Make a comment  




Monday, August 18, 2008
AKO ANG LALIM NG TUBIG

Kung ang pagtikom ng iyong labi ay isang pag-iwas.

Mas nanaisin ko pang sa iyo ay mag-umalpas.

Kung matalim man akong magsalita at kung sa iyo man'y nakasakit.

Isa itong katotohanan na sa iyo'y humagupit. 

 

Kung ang hinahanap mo ang mga salitang nais lamang marinig.

At aangkop sa iyong nais nagkamali ka sapagkat ako ang lalim ng tubig;

Na lulunod ng iyong diwa.

At magdadala sa iyo sa dulo ng lawa.

 

Totoo ngang mahirap mamuhay sa kabutihan.

Kung ang mundo'y punong-puno nang kasakiman.

Hindi ko kailangan ang taong tulad mong nakatago sa isang magandang perlas.

Ang totoo'y pare-pareho lang tayong walang kinang ang panlabas.

 

Hindi ako magbabalat-anyo o nagbalat-anyo.

At lalong hindi ako tulad mong mapagtago.

Hindi ako isang santo.

At lalong hindi ako ang iyong anino.




-tsinita-

 


Posted at 01:09 am by tsinita
Make a comment  




Friday, August 15, 2008
=(

parang isang drama sa telebisyon na ang bida ay ako. akala ko ay kaya ko.
habang naririnig ko ang mga salitang sa kanyang bibig nagmumula. hindi ko rin akalang ang napanood ko nang minsan, ngayon sa akin pala'y gigitla.

hindi biro ang relasyong mayroon ako ngayon. hindi ito simpleng pagsasama sapagkat binuo ko ito nang panahon. masakit din ang panahong nilamon na lamang basta-basta at napunta sa wala. ang mga panahong ding iyon ay ikaw ay aking nakilala.

ang sinasabi ko dito ay ang magmahal ka upang sa huli ay ipagpapalit ka rin pala.
hindi ito iyong ipagpapalit ka sa ibang tao kundi sa kanyang pamilya. hindi kita pinapipili lalong hindi mo kailangang pumili. tinuran mo man na sila'y iyong pipilin iyong napatigil ang mundo ko sandali.

ang lahat ay pawang nasabi na. at hindi mo na mababawi pa. magpaliwanag ka man'y huli na. at hindi ko rin ito maiintindihan pa.



-tsinita-






Posted at 11:45 pm by tsinita
Make a comment  




Wednesday, July 16, 2008
OUT INTO THE PLAIN

its been 12 days since i moved into my new place. im doing fine. but not oh so good. everyday, i set up my mood. to get it better. im learning to live up my life one way or another. as the arabic people say "what to do yani!?" as my replied "mushkilla yani!" 

lovers said it out loud "LOVE IS POWERFUL". is it great! oh so wonderful!. but not for me. im not looking for love. and im having a hard time looking for that word. the magical word. of love. of loving someone.

i need an outlet please. that i can release. the pain. out into the plain.





-tsinita-
16/07/2008



Posted at 04:10 am by tsinita
Make a comment  




Monday, July 14, 2008
SOULMATE

"SOULMATE" pucha! hindi ko alam iyon sa totoo lang. kasi naman matagal akong hindi nabakante at nagkulang. palagi akong binubuo nang isa pang kapareha. parang isang laro sa baraha.

iyong bubuo ka ng dalawang magkapareha (pares-pares). kahit magkaiba ang kulay ay iisa pa rin ang mukha. andoon ang "thrill" ng laro. maghanap, manghula, maghintay at magturo.

kung sino na ang susunod na titira. ang "soulmate" ba ay isang kaluluwa na naghahanap kung sino na lang ang matitira. o ang bawat kaluluwa ay may sadyang nakakabit na kasama sa buhay. o ito ba ay iyong may nakatakda na makasama sa kabilang buhay.

hindi ko na talaga maintindihan ang kahulugan nito. dahil nga ba kaya ako'y nag-iisa sa puntong ito. at hinahanap ko ang aking "soulmate". makapagtanong, nagtatanong, ano nga ba ang tunay na "soulmate"



itutuloy...



-tsinita-
14/07/2008


Posted at 07:58 am by tsinita
Make a comment  




Thursday, July 03, 2008
FOR YOU

She continously hurting my human being.
Like a poison that can kill anything.
This love story has come to end.
No memories i will keep to be remained.




-tsinita-
03/07/2008








-hinamak ko ang salitang ingles sa aking pagsusulat.
(matindi rin naman nga raw ang dating),
sana nga ako ay mamulat;
na mamuhay mag-isa.
(iyong malayo sa iyo),
iyong MALAYA.-




-tsinita-
03/07/2008

 


Posted at 05:13 am by tsinita
Make a comment  




Tuesday, July 01, 2008
SULAT

kapag napasulat na ako.
parang ayaw ko nang huminto.
gaya noong isang gabi habang ako'y nagpapaantok.
biglang lumakas ang pagtibok.
nang puso kong matagal-tagal din namang nanahimik.
kung ang pag-imik.
ay matatawag na kamalian.
tunay ngang wala na akong pagpipilian.
magbubuntong-hininga na lamang ako.
bagamat ang aking tinawag na "kwadernong moderno".
ay parang nakikisama, umaangkop.
at parang magnet akong hinihigop.
upang magsulat.
hindi ko naman taglay ang husay sa pagsusulat.
at lalong hindi ko rin naman ito inaral.
ang puso ko lang itong aking pinapairal.
marami-rami na nga ang mga naisulat ko (hayun sa ibaba).
mga salita nang pusong nais ng sumuko.
mga salita nang pusong nagagalit.
mga salita nang pusong kumukulit.
mga salita nang pusong iniwan ng pangako.
mga salita nang pusong nangangako.
mga salita nang pusong nagmahal.
at mga salita nang pusong minahal.
lahat ng iyon naisulat ko.
lumipas man ang panahon ko.
ang aking mga sinulat, mga tula.
na galing sa aking puso ay hindi na mawawala.



-tsinita_ko-
01/07/2008

Posted at 07:16 am by tsinita
Make a comment  




Monday, June 30, 2008
DUDERA!

isa, dalawa, tatlo, aba! marunong din akong magbilang kung ako'y iyong tatanungin. marami nang beses kitang natagpuang nakatingin. sa mga yabag ng aking mga paa sa tuwing ako'y dumarating. ay nagkakandarapa ka at humahaba ang iyong leeg na nais ko nang lapatan ng gunting. kailangan ko bang makiusap ng maayos. o kailangan ko bang ikaw ay igapos. sa pader ng parisukat mong pag-ibig. minsan masarap maramdaman ang init na patak ng tubig. gaya nang iyong pagmamahal. minsan nais kong gumalaw sa isang malaking espasyo na pinuno nang pagmamahal. walang halong duda, hindi sarado. hindi gaya nang salat na pag-ibig mo.


-tsinita-
30/06/2008


Posted at 05:17 am by tsinita
Make a comment  




Tuesday, June 17, 2008
NAGLAKBAY AKO SA MALA-PALASYONG VILLAGIO MALL

Hindi ako makatulog sa sobrang pagod. Sa sobrang paglilibot at paglalakad pati tsinelas ko'y napudpod. HAY! ngayon ko lang ulit ito naranasanan. Kanina ang mga paa ko ay halos sumuko na, kawawa nga naman.

Malalim na ang gabi. Kailangan ko nang ipahinga ang aking sarili. ititigil na ang pagmumuni-muni. Sapagkat ang aking mahal ay nasa akin ng tabi.

 

-tsinita-



Posted at 01:45 am by tsinita
Make a comment  




Sunday, June 15, 2008
NAKAKASAWA MONG MUNDO

Nakakapagod ang mga nakaraang araw na dumaan sa buhay ko. Nakakainis ang nag-iisa at diretsong daang aking dinaraanan. Kung mayroon mang masalubong at hindi ko mapansin ay hindi na ako makaliliko. At ni hindi ko na makikita ang kaliwa't, kanan nitong kagandahan.

Nakakainip ang paulit-ulit na pag-ikot ng buhay ko. Walang bagong maikakabit pa sa bago. Dahil ang lahat ng nakapalibot sa akin ay niluma na ng nakakasawang tagpo. Kailangan ko bang sumabay sa iyong magulong mundo.

Nais kong tumawa iyong halos hindi na ako makahihinga. Maghihintay sa paghinahon at pag-gaan ng pakiramdan ng aking puso. Mangyari man iyon ay hindi na nga; ako babalik sa nakakasawa mong mundo.

Lumbay, kasakiman, kakulangan ng pagunawa. At kung aking pang isusulat ay magkukulang ang espasyo sapagkat hindi rin naman ito maiiba. Kung ako man ay mag-pakumbaba. Mababago mo pa ba ang prosesong kahit kailan ay hindi mo sinubukang maiba.

 

-tsinita-


Posted at 04:53 am by tsinita
Make a comment  




Previous Page Next Page

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


"Ngingitian ko ang mundo.
Baka sakaling ngumiti rin sa'yo.
Mabuti pang ako'y maglibang.
Hanggang sa ako'y mahibang."







nais ko rin kayong marinig;
baka tayo pa ay magkasing-himig.
isulat mo ang iyong mungkahi;
ibulalas mo kahit sandali.


MARAMING SALAMAT PO!!!






   





<< July 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31




KALENDARYO






Photobucket


ANG PAGLUBOG NG ARAW SA DOHA.

ang paglubog ng araw ang matatanaw sa dako ng aking silid. hindi ko ito pinalampas. kahit nananakit ang aking mga mata sa pagtitig at ang luha'y nangingilid; dali-dali pa rin ako sa pagkuha sa pag-apoy ng kanyang sinag at hindi ko ito hinayaang lumipas.


-tsinita-
19/11/2007









Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



sa dulo nang araw ay may mga ngiting naghihintay
ang mga ngiting iyon ang pumapawi nang aking pananamlay.
hindi na rin magtatagal at makakasamang muli
at iyon naman ang aking minamadali.







Photobucket


"napaisip ako kung ano ang naroon sa dulo nito,
duon kaya'y makikita ko ang matagal ko nang hinahanap.
at kung mapadpad man duon sa kabilang dako,
ako kaya'y matagpuan mo't mawakasan ang pangarap..."

-tsinita- 06/01/2008









14/02/2008

Nasaan na ang kabiyak ko
Araw pa naman ng mga puso.
Sabagay sinanay mo akong ganito
Na palagiang naghahanap sa iyo.

-tsinita-


zwani.com myspace graphic comments








Isa pa sa aking libangan ang makinig sa mga musika, mapabanyaga o musikang lokal ay hindi ko pinipili. Masarap ding balikan, pakinggan ang lumang awiting panahon pa ng nanay at tatay mo at kung puwede rin naman sa panahon pa lolo at lola mo pa. =)


Napakarami nang awiting ini-“revive” o pagsasa-ayos muli mula sa origihal na himig at hanggang ma-iayon sa kasalukuyang panahon. Ngunit Aakalain mo bang ang isang awit na ito ay isang tula? Napakarami nang naisulat/naitala na nilapatan ng himig/nota na aking huling natuklasan.


BILANGO
Rizal Underground


Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.
Hanggang kailan pa ba magdaramdam, hanggang kailan pa ba masasaktan
Pag-isip sa 'yo maging sa ganito at ganyan
Hanggang kailan ka bang maghihintay
Hindi ka ba nagsasawa inday
Ang damdamin ko kahit na ganito katamlay
Tunay to bay
Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.
Patay sindi, sa init at lamig
Maging ang patalim madadaig
Galos sa dibdib, tato ng 'yong mukha sa balat
Nakailang ulit na hiwalay
Hindi pa rin matutong sumabay
Ang damdamin ko kahit na ganito katamlay
Saka na ang babay
Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.









Ayaw ko sana madama na malapit na ang pasko. Kung baket kasi tinanong pa ang isang kaibigan kung anong magandang musika para dito.
Heto't iyan ang kinalabasan. Isang musikang pinoy na akin namang kinasabikan.


Get this widget | Track details |eSnips Social DNA








Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed