MAGULO ANG PAHINANG ITO, KASING-GULO NANG UTAK KO.



Tuesday, October 12, 2010
:: 10/10/10 ::

:: sampu, ten, asharah ::

 

hindi ko naman ito paboritong numero

at lalong wala ring koneksyon sa buhay ko

matatapos na rin ang araw na ito

makagawa na lang ng kwento

 

maganda lang isulat upang magkaron ng marka

normal pa rin ang takbo ng panahon kahit wala ka

kaya ko huwag ka nang magtaka

ang tanong ko ay kung paano ka

 

napunuan na nga ang espasyong iyong iniwan

pitong buwan makalipas akin ng natagpuan

marahil mahirap ding maintindihan

kung baket ang kahapon'y madaling nakalimutan

 

may bagay kasing panahon ang nagsasabi

kung kailan ka muling ngingiti

ngunit ikaw naman ang makakapili

nang tunay na ligaya iyong hindi ka na hihikbi.

 

 

 

-tsinita-

10/10/10


Posted at 01:52 am by tsinita
Comments (2)  




Friday, August 07, 2009
ANG TOTOO'Y TAKOT KA LANG MAG-ISA



takot kang maiwan mag-isa iyan ang totoo.
takot kang multuhin ng sarili mong multo.
ngunit kung magsalita ka'y para kang hilo.
ang galit, poot ang nagsisilakbo sa puso.

tatanggapin ang mga salitang naipukol.
ang katayuan ko'y sukol na sukol.
nakalutang, nakapaibabaw sa isang burol.
habang ang hanging kinakapos, naghahabol.

nasaktan nga ang puso ko. (maraming beses, paulit-ulit)
ngunit hindi sumusuko.
magmahal, mahalin ka nang totoo.
ako ito. (ang iyong sinasaktan)

ang totoo'y takot ka lang mag-isa.
ang mahalin ka'y iyong ikinasasama.
parang isang sirang plakang walang pag-asa.
walang pag-sisidlan kapag kasama ka.



-tsinita-


06/08/2009


Posted at 02:23 am by tsinita
Make a comment  




Thursday, July 23, 2009
tula


madalas akong tumutulala kapag may naglalarong mga salita sa isipan ko.
at duo'y sisimulan ko ang paghahabi ng mga letra upang mabuo.
minsan pa akong tutulala sa pahinang ito.
upang maibahagi ang aking salaobin, dito lamang nagiging masaya na ako.

madalas akong tumutulala sa mga panahong ayaw ko nang may makausap.
kadalasan nais kong mag-isa ang pagsulat lamang ang mangungusap.
nais ko ang tahimik, magmamasid at mangangarap.
tutulala akong kahit kay hirap.


-tsinita-


:: tumulala noong 19/07/2009 ::


Posted at 04:48 am by tsinita
Make a comment  




Saturday, July 04, 2009
delubyo


babalik-balikang muli at bubulay-bulayin ang aking nakaraan
sa isang kisap-mata'y kapalit ng mahigit isang libong daan
panandaliang iidlip upang magising sa aking paraan
lilimutin kang parang isang bagay na walang mapaglagyan.

 


-tsinita-


Posted at 08:04 am by tsinita
Make a comment  




Saturday, February 14, 2009
MALAYA


Sa tuwing may naghihiwalay na puso.
Magkasabay silang natatalo.
Nasasakluban ng dilim ang kanya-kanyang mundo.

At kalungkutan ang kapalit sa naiwang espasyo.

Magkasabay sa pagpatak ng mga luha.
At ang mga pangako'y isa-isang nangawala.
Wala nang nag-uugnay sa pag-asa.
Sapagkat ang mga puso'y nagkanya-kanya na.

Naranasan din naman ang kaligayahan.
Noong kapiling ka't nagmamahalan.
Ngunit nabubuhay ka sa nakaraan.

At ayaw mo itong talikuran.

Ang nais mo'y magpakalayo.
Habang ako'y naghihintay sa iyo.
Himay-himayin man ang sarili ko.
Kailanman hindi ka na babalik sa mundo ko.

Ang pangamba ko noon ay nasa aking haraya.
Ang kasalukuyan ay hindi madadaya.

Ang bukas ang mag-papasya.

Nang malayo sa iyo at malaya.



-tsinita-

 


Posted at 04:14 am by tsinita
Comment (1)  




Wednesday, January 07, 2009
ANG YAPAK KO'Y AKING BABALIKAN



humigit tatlong taon na palang umiinog ang mundo ko sa bansang ito (Doha-Qatar). Maliit man ito kumpara sa aking bansang sinilangan. ngunit dito ko natagpuan ang kasaganahang aking natatamo. mayaman sa pag-hahasa sa aking kakayahan (at malaki na nga ang aking pasasalamat).

dumating ako noon na buo ang kalooban. ni hindi pinanghinanaan ng loob sa tuwing darating ang pangungulila (sa aking pamilyang mahal na mahal). pinapalipas ang bawat araw na pinagdaanan ng nakaraan. at may mga kaibigang nakilala at isa-isa rin namang nawala.

ngayon ang mga yapak ko'y aking muling babalikan. hindi sa aking nakaraan ngunit sa aking pamilyang pansamantalang iniwan. kung maihahatid lamang sana ako nang isang anghel sa langit ito'y akin ng hihilingin. pansamantala, ako'y maghihintay sa mga araw pang palilipasin.

handa na akong muling lakbayin ang pilipinas. iba pa rin ang pakiramdam ng nasa sarili mong bansa dama kong kahit papaano ako'y ligtas. at kung may pagbabago man akong madatnan ay walang katumbas; ang pagkanlong mo sa akin, ang aking pagkakatali bilang anak ng bansa ay hindi mapipigtas.



para sa aking pamilya at mga kaibigan ang pag-uwi ko'y malapit na!

pebrero 20, 2009
doha: 00:55am
pinas: 15:00pm

saka ko na lamang ibabahagi ang aking pagbalik sa doha nais ko munang damhin ang pilipinas =)

-tsinita-







Posted at 10:37 pm by tsinita
Make a comment  




Sunday, December 28, 2008
DOMINANTE DAW AKO




Kagabi sa aming kusina "bonding time" ng mga ka-"flatmates" ko. Kwentuhang may kabuluhan. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay nila at pati na rin buhay ko. Pumaibabaw ang tawanan.

Sa bawat bibitawan naming mga salita. Ay may kanya-kanya nang haka-haka at kuro-kuro. Dominante daw ako ang napuna nang isa. Kasama pa ang kamay niyang nakaturo.

Ano nga ba ang dominante?. May pamantayan bang nakalakip sa salitang iyon? Napailing na lang ako dahil parang masama ang kahulugan o hindi mabute. Sige ipaliwanag mo iyon.

Agad ko itong hinanap sa aking kaibigang si "Google", ngunit wala. Hindi ko dedepensahan ang sarili ko dito. At hindi ko kailangan ipaliwanag ang wala. Ayokong pakyawin ang mga salitang/ugaling kahit kailan ay hindi ko ginusto.

Ikaw nga ang nakakakita sa akin. Maari mong masabi ang ugaling iyan. Ngunit hindi ikaw ang aking salamin. Na nakikita pati ang aking aninong/repleksyong hindi mo kailanman maaring mahawakan.



-tsinita-



Posted at 11:38 am by tsinita
Comments (3)  




Thursday, November 27, 2008
SAGOT SA IYONG TINURAN =)

Napabuntong hininga ako;
Sa aking nabasa.
Isang kirot ng puso;
Na naghahanap ng pag-asa.

Isang pagmamahal?
O isang pagpapatiwakal?
Dama ko ang kanyang pagal;
Sa sagot na kay tagal.

Hindi ito ang panahon;
Upang humanap ng eksplenasyon.
Kusang magsasalita ang puso;
At ito'y totoo.



-tsinita-
27/11/2008




Posted at 04:45 am by tsinita
Make a comment  




Friday, November 21, 2008
HITAD

ang aking hihilingin ang ikaw ay humarap sa salamin. makikita mo ang iyong sariling sa iyo'y nakatingin. batid kong ikaw nga ay sanay na sa ganitong tagpo. ang harapin muli't-muli ang iyong sariling repleksyon at ang iyong anino.

nagkalat sa mundo ang gaya mo. ngunit hawak mo ang utak ng isang gamo-gamo. walang sariling pag-aari. at walang nagmamay-ari.

hindi ko nais ang ikaw ay masaktan sa talim ng aking labi. ngunit ito ang iyong nais ang ako'y magmutawi. gumising ka sa realidad. aking nakilalang hitad.

ang lahat ng itoy wala na sa aking kamay. sapagkat hindi ko na rin alam kung pano maghihinay-hinay. huwag mong subukang kantiing guluhin ang aking espasyo. sapagkat ako'y hindi kailanman padadaig sa gaya mong palalo.





-tsinita-
22/11/2008







Posted at 03:13 am by tsinita
Make a comment  




Sunday, October 12, 2008
AKO'Y PATULOY NA NASASAKTAN

nagising akong parang kulang ang nasa aking harapan.
bagabag at lungkot ang aking naramdaman.
hindi ko alam kung anong kulang basta ang alam ko hindi na ako masaya.
at naramdaman ko ring hindi na ako ang makakapagpasaya (sa iyo).

hinanap ko noon ang magpapasaya sa puso ko.
hindi nga noon nagtagal dumating ka't ikaw ang sumaklolo.
hindi ko naramdaman ang pag-aalinlangan kahit na may kakaiba sa atin.
ang naging mahalaga noon ay ang nabubuo nating damdamin.

walang taong hindi ninanais ang kahinahunan ng puso.
at naniniwala akong wala ring taong nabubuhay lamang upang manakit ng damdamin ng ibang tao.
ngunit baket patuloy pa rin akong nasasaktan.
ito na nga ba ay isang kabaliwan.

namamanhid na nga ang puso kong ito.
nawawalan ng kulay ang pagtingin ko sa iyo.
ngunit kapag ako'y dinadala sa ating mga nakaraang napakasaya.
muli akong nabubuhay sa isang pangakong sana'y huwag mawala.



-tsinita-
12/10/2008


Posted at 04:08 am by tsinita
Make a comment  




Next Page

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


"Ngingitian ko ang mundo.
Baka sakaling ngumiti rin sa'yo.
Mabuti pang ako'y maglibang.
Hanggang sa ako'y mahibang."







nais ko rin kayong marinig;
baka tayo pa ay magkasing-himig.
isulat mo ang iyong mungkahi;
ibulalas mo kahit sandali.


MARAMING SALAMAT PO!!!






   





<< October 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31




KALENDARYO






Photobucket


ANG PAGLUBOG NG ARAW SA DOHA.

ang paglubog ng araw ang matatanaw sa dako ng aking silid. hindi ko ito pinalampas. kahit nananakit ang aking mga mata sa pagtitig at ang luha'y nangingilid; dali-dali pa rin ako sa pagkuha sa pag-apoy ng kanyang sinag at hindi ko ito hinayaang lumipas.


-tsinita-
19/11/2007









Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



sa dulo nang araw ay may mga ngiting naghihintay
ang mga ngiting iyon ang pumapawi nang aking pananamlay.
hindi na rin magtatagal at makakasamang muli
at iyon naman ang aking minamadali.







Photobucket


"napaisip ako kung ano ang naroon sa dulo nito,
duon kaya'y makikita ko ang matagal ko nang hinahanap.
at kung mapadpad man duon sa kabilang dako,
ako kaya'y matagpuan mo't mawakasan ang pangarap..."

-tsinita- 06/01/2008









14/02/2008

Nasaan na ang kabiyak ko
Araw pa naman ng mga puso.
Sabagay sinanay mo akong ganito
Na palagiang naghahanap sa iyo.

-tsinita-


zwani.com myspace graphic comments








Isa pa sa aking libangan ang makinig sa mga musika, mapabanyaga o musikang lokal ay hindi ko pinipili. Masarap ding balikan, pakinggan ang lumang awiting panahon pa ng nanay at tatay mo at kung puwede rin naman sa panahon pa lolo at lola mo pa. =)


Napakarami nang awiting ini-“revive” o pagsasa-ayos muli mula sa origihal na himig at hanggang ma-iayon sa kasalukuyang panahon. Ngunit Aakalain mo bang ang isang awit na ito ay isang tula? Napakarami nang naisulat/naitala na nilapatan ng himig/nota na aking huling natuklasan.


BILANGO
Rizal Underground


Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.
Hanggang kailan pa ba magdaramdam, hanggang kailan pa ba masasaktan
Pag-isip sa 'yo maging sa ganito at ganyan
Hanggang kailan ka bang maghihintay
Hindi ka ba nagsasawa inday
Ang damdamin ko kahit na ganito katamlay
Tunay to bay
Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.
Patay sindi, sa init at lamig
Maging ang patalim madadaig
Galos sa dibdib, tato ng 'yong mukha sa balat
Nakailang ulit na hiwalay
Hindi pa rin matutong sumabay
Ang damdamin ko kahit na ganito katamlay
Saka na ang babay
Bilanggo;
Sa rehas na gawa ng puso mo.
Bilanggo;
Sa gapos na dulot ng pagisip sa 'yo.









Ayaw ko sana madama na malapit na ang pasko. Kung baket kasi tinanong pa ang isang kaibigan kung anong magandang musika para dito.
Heto't iyan ang kinalabasan. Isang musikang pinoy na akin namang kinasabikan.


Get this widget | Track details |eSnips Social DNA








Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed